Sabagay, mas bagay kapag sabay.
Friday, June 16, 2017
Sabagay, mas bagay kapag sabay.
"If you can't beat them,join them."
Sa mundo na na may hugis na hindi perpektong bilog at tanging ibabaw at balat lamang nitong mababaw ang nakikita at natitirahan ng tao ay wala tiyak sa katinuan ang mga taong susubok na hukayin ito sa pagaakalang maaari silang manirahan sa kailaliman nito. Ngunit ilan kayang tao ang gagawa nito? Iyong tipo ng tao na hindi matanggap ang kababawan at kaimperpektuhan ng ibabaw nito? Mga taong naghahanap ng kasagutan sa maling mga bagay na nakikita nila dito? Mga taong puno ng katanungan na bakit ganito? Mga taong hindi kayang sumabay at namamangha pa rin sa mababaw na balat ng mundo. Mga taong tama ang pananaw ngunit mali sa karamihan...mga taong lito at talo dahil sa nakakalitong mundo.
Sabi nila ay ang totoong buhay daw ng tao ay naguumpisa kapag tayo ay nasa edad na apatnapu na. Dito daw natin makikita at mararamdaman ang totoong kahulugan ng buhay. Medyo nasa malaking suliran nga lamang tayo kapag malalim pa ang tingin natin sa balat ng mundo pagtuntong sa edad na ito. Talong talo. Ganon pa man ay marahil kaya iba na at malalim ang tingin natin sa mundo sapagkat nasa edad na nga cguro tayo na ganoon. Life begins at 40.
Sa katunayan ay may mga patunay na ilang kilala at henyong tao na nagumpisa ang kanilang buhay noong apatnapu na sila at naging matagumpay sa pagsalungat sa nakakaraming tao na masaya dahil sa pananaw nila at pagtira sa mababaw na mundo. Ang ilan pa nga sa kanila ay si Einstein na talaga namang nakilala sa buong mundo dahil sa kanyang imbensyon na nagumpisa noong sya ay nasa edad na apatnapu. Ganon pa man ay ilan lamang sila. Namamayagpag pa rin ang karamihan ng tao sa mundo na kapag humalo na iba ka at naghahanap ng lalim dito ay tiyak na na talo ka...tiyak na malilibing ka sa mismo sa ginagawa mong hukay na pilit mong pinapalalim ng husto sa pagaakalang may buhay dito. Sa pagaakalang tama ka dito.
Ngunit ang tama ay itapon angpala at tabunan ang hukay na kahit kelan ay hindi naman nila maiintindihan.Sayang lamang. Mas bagay kung sasabay ka na lamang sa mundong tama sa paningin ng ilang bilyong taong nananahan dito. Unang una ay hindi naman ginawa ang mundo na isag bilog na perpekto. Ang mahalaga ay sumabay ka para bagay....para pare pareho ay panalo...para pare pareho ay mabuhay at hindi lamang ikaw ang tila patay.
Subscribe to:
Comments (Atom)